ito ang lugar na magsisilbing tambayan ng aking mga maikling kwento, sanaysay, at sari-saring artikulong sadyang maiksi ang pagkakagawa at perpektong basahin kasabay ng paghigop sa mainit na kape.

Wednesday, December 17, 2008

XL

Driver: Makiusog-usog lang po dito sa kaliwa, oh... walo-han ho iyan. Sige na po, para makalakad na.

Pahinante: Pre, 'di na kasya. Me dalawang mataba sa kaliwa.









Sad to Belong


Kung bakit ko ba naman kasi naisipan pang patugtugin yung mga mp3 files dito sa computer.

Naalala ko tuloy si Karmelo.

Tuesday, December 16, 2008

Unlitxt

May mga text messages na sadyang nakakainis basahin.


,kuya..
,lp8 na..
,qme..Wer..
,nah poh..Qau?
From: +63915xxxxxxx
6:29pm 16-DEC-08











Sunday, December 14, 2008

Under The Table

Katotohanan ng buhay:


Masarap ang buhay ng mga nasa Purchasing Department kapag Christmas Season.

Tuesday, December 9, 2008

Veil Sponsor

kahit dati pa naman, pareho nating sinasabi na naka move on na tayo.


tama naman, di ba? what else should we do? eh moving on is the most logical thing to do.

kanina lang, nagtext ka pa sa akin. patunay na hindi na tayo war. we managed to keep our 'friendship' and our communication lines open despite of what happened.


sabi mo sa text:


"best, sana you'd accept my request. we chose you to be a part of our secondary sponsors."


syempre umoo naman agad ako. patunay na hindi na tayo war. patunay na naka move on na nga tayong dalawa despite of what happened.


kahit na nga ba ako ang mag-shoulder nang gastos sa gown ko.


kahit na nga ba kakailanganin kong mag-leave sa trabaho para sa mga rehearsals at sa mismong wedding day.


kahit masakit.


kahit umiyak ako kanina nang nabasa ko ang text mo.


dahil naka move on na nga tayo.








Friday, December 5, 2008

Friendster

Dalawang taon na rin pala mula nang huli kitang makitang malungkot.

Ngayon, nadaanan ko lang sa listahan nang friendster updates yung profile mo. May bagong posted picture ka kasi.

Mukhang masaya ka naman; kasi ang luwang ng ngiti ninyo nang lalaking nakayakap sa'yo.



-ex



Mga Reaksiyon

Kung Tabloid ang Over a Cup of Coffee, Ito naman ang Broadsheet ni Hector:

About Me

sa anumang tanong, suhestiyon at reaksiyon, maaaring mag-email kay hector sa address na ito: hector_olympus@yahoo.com

Mga Nakihigop ng Kape