over a cup of coffee

ito ang lugar na magsisilbing tambayan ng aking mga maikling kwento, sanaysay, at sari-saring artikulong sadyang maiksi ang pagkakagawa at perpektong basahin kasabay ng paghigop sa mainit na kape.

Sunday, March 1, 2009

Toot-toot-toot-toot-toot

'Sira ba itong telepono?! Kangina pa ko tumatawag eh, hindi mag-ring!', inis na sambit ni itay.

'Huh? nakabayad naman tayo, ah? Anak, paki-tingnan mo nga yung sinasabi ni itay mo', sagot ni inay.

'Sige nga, 'tay, dial ka ulet', sabi ni anak.

'Tay! Eh talagang di magri-ring yang tinatawagan mo! Number natin yang dina-dial mo, eh.'

'Ha? Ay, oo nga. Buti walang sumagot. Hehe'.

Tuesday, February 24, 2009

Six Fortynine

Magkakwentuhan kami ni kumpareng karatig-bahay ko. Sabi ko, 'Pare pag ikaw ang nakakuha nang 340 Million Jackpot sa Lotto, ano una mong gagawin?'

Sabi ni pare, 'Naku, repapips, sa totoo, 'di ko alam ang gagawin ko. Pero isa lang ang sigurado- mapapasigaw ako ng malakas.'

Lumipas ang magdamag.

Wala akong naulinigang sigaw.

Monday, February 9, 2009

Buyangyang

Ewan.




Hinding hindi ko maiintindihan kung paanong hinahayaan ng mga magulang ang mga batang yagit na nakabuyangyang ang hubad na katawan habang nakatanghod upang humingi ng konting limos.

Thursday, February 5, 2009

My Love Story

(Para in sa season, dapat daw magsulat naman ng blog tungkol sa love story. Kaya eto na, 'di ko na patatagalin, isusulat ko na ang love story ko......)

____________________
My Love Story






-the end
____________________

Wednesday, January 28, 2009

Burn


Animo'y nakikipagharutang sumayaw-sayaw sa ihip ng hangin ang apoy na unti-unting tumutupok sa mga sulat mo.


-habang patuloy ang pag-akyat nang usok sa kalangitan, kasabay nang paglipad nang mga nakasulat na pangako mong muli kang magbabalik.


Wala nang apoy.
Wala nang usok.
Wala na ang mga pangako.

Monday, January 12, 2009

Without Goodbye

Natanaw ko pa habang unti-unti ka nilang ibinababa sa tatlong baitang na hagdan pasakay sa sasakyang maghahatid sa 'yo.

Sa likod mo'y mabining sumusunod ang ilang kataong nangakasuot nang madidilim na salamin at na bumabagay sa mga itim ding kasuotan.

Ihahatid ka na nila.

Habang ako'y mag-isang nakatunghay sa 'di kalayuan at ni hindi magawang lapitan ka't tingnan.

Kahit man lang sa huling sandali.

Monday, January 5, 2009

Turned Off

Akalain mong nagkasolo kami ni super duper crush kaninang umaga sa elevator. Sa tagal-tagal nang panahon na hanggang sulyap lang ako sa malayo sa kanya, nabigyan ako ng pagkakataon na makatabi sya at malanghap ang pabango nya sa loob ng elevator-na kaming dalawa lang at walang ibang tao.

Maglalakas loob na sana akong magpakilala nang biglang nag aberya at tumigil ang elevator.

Sabay biglang napamura sa inis si super duper crush. Mura nang mura habang panay ang sulyap sa relo nya.

Tumigil lang ang litanya ng mura nang muling umandar at umakyat patungo sa destinasyon naming 39th floor.

At paglabas nang elevator ay hindi ko na sya crush.

Mga Reaksiyon

Kung Tabloid ang Over a Cup of Coffee, Ito naman ang Broadsheet ni Hector:

About Me

sa anumang tanong, suhestiyon at reaksiyon, maaaring mag-email kay hector sa address na ito: hector_olympus@yahoo.com

Mga Nakihigop ng Kape