Akalain mong nagkasolo kami ni super duper crush kaninang umaga sa elevator. Sa tagal-tagal nang panahon na hanggang sulyap lang ako sa malayo sa kanya, nabigyan ako ng pagkakataon na makatabi sya at malanghap ang pabango nya sa loob ng elevator-na kaming dalawa lang at walang ibang tao.Maglalakas loob na sana akong magpakilala nang biglang nag aberya at tumigil ang elevator.
Sabay biglang napamura sa inis si super duper crush. Mura nang mura habang panay ang sulyap sa relo nya.
Tumigil lang ang litanya ng mura nang muling umandar at umakyat patungo sa destinasyon naming 39th floor.
At paglabas nang elevator ay hindi ko na sya crush.
No comments:
Post a Comment