Natanaw ko pa habang unti-unti ka nilang ibinababa sa tatlong baitang na hagdan pasakay sa sasakyang maghahatid sa 'yo.Sa likod mo'y mabining sumusunod ang ilang kataong nangakasuot nang madidilim na salamin at na bumabagay sa mga itim ding kasuotan.
Ihahatid ka na nila.
Habang ako'y mag-isang nakatunghay sa 'di kalayuan at ni hindi magawang lapitan ka't tingnan.
Kahit man lang sa huling sandali.