"Magreresign ka?! Bakit, san ka lilipat?", pagulat na tanong ni Rico kay Joey Boy.
"Shhh", sabing ngingiti-ngiti ni Joey Boy. "Wag kang iskandaloso, diyan, parekoy. Alam mo,yun ang naisip kong pwedeng technique para tumaas ang sweldo ko".
"Ha? What do you mean, pare?", sabi ni Rico.
"Utakan lang yan, Rico babeh. Kita mo, ni hindi tayo na-increase-an ngayong taon na 'to. Lumaki ang Sales, pero tayong mga nagpapakahirap magbenta, ni hindi mabigyan nang kahit pisong increase. Pa'no ka naman dun?", sagot ni Joey Boy.
"O? E dahil dun magreresign ka na?", ani Rico.
"Tsk! Ganito nga, parekoy, ang plano", sabi ni Joey Boy. "Kunyari lang yung resignation ko. Pagpasa ko ng resignation letter at kinausap ako ni Boss, sasabihin ko, me offer na mas mataas sa akin sa ibang company. Syempre dahil above quota ako last year, pipigilan nya ako. Magbibigay sya nang counter-offer sigurado. O? Gets mo? Easy money, parekoy! Utak ang kailangan para umasenso!"
"So parang mananakot ka lang pala pero di ka magreresign? Parang blackmail ata yan, Joey Boy", ani Rico.
"Eh, pare, sabi naman sa'yo, kailangan dito, utak. O, naka-draft na 'ko nang resignation letter ko, baka gusto mong kopyahin. Sumabay ka na sa pagreresign ko, pare, para pareho tayong me increase."
"Ikaw na muna, pare. Pag ayos yang gimik mo, susunod ako."
At tulad nang inaasahan ni Joey Boy, pinatawag nga sya nang Boss para kausapin.
"Joey Boy, you've been one of our top performers last year. Can't you stay and still be a part of us?", bungad ni Boss.
"Sir, I've got a better offer sa kabilang company. 5K higher than my current salary, plus they have rice and transpo allowance, Sir.", pagmamalaking sagot ni Joey Boy. Ngayon pa lang ay nag-iisip na sya kung magkano ang Counter-offer na ibibigay nang Boss nya.
"Well, Joey Boy, I've got to tell you that I was planning to give you a promotion next month. However, I think you've found a great job out there so I wouldn't stop you from having it.", sabi nang Boss nya habang inilahad ang kamay upang kamayan sya. "Congratulations, Joey Boy on your new job. And Goodluck".
Old Names Flourish in Latest SWS Senatorial Survey
-
The Social Weather Station (SWS) has released its latest Survey on
preferred Senatoriables. Conducted last January 17 to 19, the survey shows
old names en...
11 years ago
3 comments:
di nga epektibo ang ganyang gimik minsan. mas maganda---kausapin mismo yung boss and ask for a raise head on---tapos kung ayaw and you think me greener pasteur. saka nalang resign. then again, don't resign hanggat di malinaw kung san pupunta....
wawa naman.....
Hey, thanks for the comment. Actually, I am half filipino, so I understand the language.
=D
Salingpusa,
tama ka. There must be a better way to do it.
The donna,
thanks for visiting.
mabuhay!
Post a Comment