ito ang lugar na magsisilbing tambayan ng aking mga maikling kwento, sanaysay, at sari-saring artikulong sadyang maiksi ang pagkakagawa at perpektong basahin kasabay ng paghigop sa mainit na kape.

Thursday, October 30, 2008

You've Got M@il

Ito na yata yung pinaka shocking na email na natanggap nya sa buong buhay nya.

"Oy, bro., ok ka lang diyan?", tanong ng officemate nyang si Jae pagkakita sa kanyang nakatulala sa harap ng computer.



"Oo, bro", sagot nya.

Email yun galing kay Rob, kababata at bestfriend nya since grade school. Tumuntong ng High School at hanggang College, pareho sila nang kursong kinuha sa isang sikat na State University.

Simula pa lang, halos magmahalan silang parang magkapatid. Hindi sila halos mapaghiwalay. Pareho sila nang tipong damit, pagkain, laruan. Palibhasa'y pareho rin silang matalino at mayaman kaya hindi sila nahirapang piliin ang gustong pasukang eskwelahan.

Napilitan lang silang magkalayo nang magpasyang mag migrate na sa California ang pamilya ni Rob, habang siya naman ay nakapasok na sa isang Ad agency sa Ortigas.

At ngayon, makalipas ang anim na buwan mula nang lumipad patungong California, natanggap niya ang isang email na talagang nagpagulantang sa puso at isip nya.


Sabi sa email ni Rob:



>>>>> Pare it took me so long to say this. At pinagsisisihan kong hindi ko nasabi sa'yo back when I was still in the Phils. I just needed to gather this courage to say this to you. At pagkatapos nito'y pwede mo na kong itakwil. Kalimutan kung iyon ang sa tingin mo ay nararapat. Gusto ko lang malaman mo-I LOVE YOU SO MUCH, PARE<<<<<



Si Rob na itinuring nyang kapatid at bestfriend simula't sapul ay may lihim palang pagtingin sa kaparehong kasarian. Hindi niya lubos-maisip na mamahalin siya ni Rob nang katulad nito.



Makalipas ang ilang oras ding pag-iisip ay ipinasya nyang sagutin ang email ng kababata.

>>>>>> I'm flying to California next week, Rob. I LOVE YOU TOO, PARE<<<<<




10 comments:

Anonymous said...

Okay to ah!!
Submitted by spike_west on November 6, 2008 - 3:39pm.
Maiksi pero malaman! Okay to bro, kwento mo ba ito?joke lang!

Simple pero rock!!

Ingat

Spike



“It is better to be a good nobody than an evil somebody.” -From the Movie Igor

Anonymous said...

galing
Submitted by JoSantos on November 10, 2008 - 9:24pm.
yung gulat sa hindi inaasahang katotohanan, at pati na ang sagot sa email.. made this one effective...



galing :)



gusto ko ring pumunta ng california.. :)

hector_olympus said...

pero mukhang bawal na
Submitted by hectorolympus on November 11, 2008 - 10:03am.

i heard from the latest news na hindi na yata pwede (ulit) ang gay marriage sa calif.

Anonymous said...

Prop 8 in California

Submitted by JoSantos on November 11, 2008 - 10:48am.

It went through... in favor of yes...

http://en.wikipedia.org/wiki/California_Proposition_8_(2008)

hector_olympus said...

that would be good news to many

and a bad omen to some i think.

Anonymous said...

magaling... magaling... na enjoy ko ang pagbabasa....

Sabagay normal na lang ang ganyan sa ngayon...

keep on writing...

jonsdmur

hector_olympus said...

normal na nga siguro.

but now comes the question:

should gay marriage be allowed?

Anonymous said...

Ang mahirap kasi sa atin hindi tanggap ng lipunan ang gay marriage. Kung relasyon nga lamang ay marami na ang hindi sumasangayon paano na kaya ang pagpapakasal. Siguro pwede na ring payagan para naman may makasama sa pagtanda ang mga gay. At may matatawag silang sariling pamilya. Pwede naman silang mag-ampon para maging isang pamilya...

jonsdmur

hector_olympus said...

malaking isyu yan.

pero posibleng mangyari.

Anonymous said...

Hindi ko alam kung pinapayagang mag ampon ang two gay lovers? Siguro hindi.. kasi iniisip ang kapakanan ng bata... hirap talaga ng ganyang relasyon... ang totoo nagmamahal lang sila.... kaso hindi tanggap ng lipunan....

Mga Reaksiyon

Kung Tabloid ang Over a Cup of Coffee, Ito naman ang Broadsheet ni Hector:

About Me

sa anumang tanong, suhestiyon at reaksiyon, maaaring mag-email kay hector sa address na ito: hector_olympus@yahoo.com

Mga Nakihigop ng Kape