Patuloy sa pagkabog ang videoke sa saliw ng kantang Laklak at Alapaap. Manaka-naka'y sinasalitan ito ng sabay-sabay na pag-awit ng "Happy Birthday, Ronnie!!!"
Lasing na ang grupo at nagkakatuwaan; habang sa katabing bahay ay patuloy sa pagpalahaw ng iyak ang isang sanggol.
Alas Dos na ng umaga sa Kalye Mata.
Tila ilang beses nang nagpaulit-ulit ang pagkanta ng Laklak at Alapaap. Lango na ang lahat at di na mabigkas ng wasto ang pag-awit ng Happy Birthday, Ronnie!!!!
Wala pa ring tigil ang pag-iyak ng sanggol; habang ang pulis na ama nito'y matamang nakatitig sa treinta'y otsong baril.
Alas Tres na ng umaga sa Kalye Mata.
Mahimbing na natutulog ang sanggol.
Payapa na ang paligid.
5 comments:
Payapa
Submitted by JoSantos on November 10, 2008 - 9:09pm.
magaling ang dating ng timeline...
magbiro na sa lasing wag lang sa taong magdamag na gising...
revelation
what a revelation!!!
di ko naisip itong saying na ito while i was writing the story ah :)
thanks, jo
hassle talaga noh??
Submitted by callie on November 10, 2008 - 9:03pm.
because early in the mourning.....heeheh
callie
Sa story naman... ang hirap isipin kung ano talaga ang nangyari. Pwedeng nag-uwian na yung mga lasing. Pwede ring pinatay. Pwede ring tinakot lang. Tuwa ako sa mga ganitong kwento - yung mga kwentong iniiwan na sa imagination ng mambabasa yung susunod na mangyayari.
RJ :)
----------
Stories and Poetry by RJ Santos - http://rjsantos.authorshaunt.com
up to the readers
==========
RJ Santos wrote:
Sa story naman... ang hirap isipin kung ano talaga ang nangyari. Pwedeng nag-uwian na yung mga lasing. Pwede ring pinatay. Pwede ring tinakot lang.
==========
tama ang obserbasyon mo, rj.
it's actually an open-ended story na bahala nang mag isip ang readers tungkol sa kung ano ang nangyari sa kwento.
Post a Comment