Patikim ng Pinya
'WAPAK!!!!'Bumakat sa pisngi nya ang kamay ng dalagang gigil na gigil na umalis pagkasampal sa mukha nya."Bakit ba, anak, ha?", ang sabi nang nanay nyang pabiglang lumapit sa kanya."In-oper ko lang naman, Nay, yung promo natin, eh", mangiyak ngiyak nyang sabi habang hinihimas ang nag-iinit pang pisngi. "Tinanong kasi nya kung magkano daw itong hotdog"."O, eh bakit ka ngarod sinampal?, anang ina."Eh, sabi ko, 'Miss, iyo na yang hotdog ko, basta't bibilhin mo ireng dalawang itlog ko'. Eh 'di ba Nay, me promo tayong buy 1 take 3, Nay?, paliwanag nya sa Ina. "Tapos yun, Nay, bigla na lang bumalatay sa mukha ko yung kamay nya!""Sya, hamo na yun", sabi na lang ng ina. "Bukas, me bago tayong mga parating na paninda. Mag-isip ka nga anak ng bagong promo para gumanda naman ang benta natin.""Ano po bang ititinda natin bukas, Nay?""Pinya, anak".Unti-unting nagliwanag ang mukha nya sa naisip na promo.
Kung Tabloid ang Over a Cup of Coffee, Ito naman ang Broadsheet ni Hector:
27 comments:
Wapak! :)
Heehee. Kakatuwa ito! :)
Sulat ka pa! :)
Ruthie
Ah ha ha ha ha!
Submitted by Pmel on October 23, 2008 - 5:42pm.
So, what's the promo for the pineapple? Many eyes?
promo
Submitted by Adlesirc on October 23, 2008 - 5:59pm.
Pmel, ang promo nila ay tatawaging "patikim ng pinya"
it has a double meaning.
ading ko masasampal ka nanaman
wapak! nga hehehe! hilarious!
napintas gayem!!!!
"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."
KAGAT LABI
matamis ang pinya (sabay turo sa dalaga habang kagat ang labi at kumikindat)
WHAPAK!!!
Mas lumala na...
Submitted by ruth_mostrales on October 24, 2008 - 2:42pm.
Baka hindi na lang "whapak" ang abutin niya. Masasaktan na talaga siya. :)
Ruthie
green minded
siguro that's something with filipinos.
kahit simpleng saging, tiliapya, papaya at mani, nabibigyan agad ng double meaning.
hector,
LOL. For real?
Submitted by Pmel on October 24, 2008 - 6:56pm.
I'm a Filipino and I didn't get it until Adle messaged me. So that's a false statement, yes? Not that it matterred.
Frogs copulate with anything that moves. I guess it's a repressed amphibian instinct of some Filipinos. Ha ha ha ha ha! On the other hand, it could have more to do with American influence.
generally speaking
might have been a false statement for some. but i was speaking in general terms.
maybe this has got to do with the deeper meaning that i would want, as the author, to imply-hindi lahat, ngunit karamihan sa mga kabataan ay masyadong bukas ang mga mata sa "double meanings" na naibibigay ng mga palabas sa tv, babasahin, etc.
sana'y magkaroon ng "pangil" ang governing authorities upang magkaroon ng regulasyon sa mga babasahin at panoorin sa tv.
Yeah! So I was told. :D
Submitted by Pmel on October 25, 2008 - 5:56pm.
I told a friend I didn't find it funny and that I still didn't get it. She said "Patikim ng Pinya mo" was a title of a Porn movie made a few years back. You are right. I hope that MTCRB or what not does something about that. :|
It really made me laugh...
Submitted by Jade Matanglawin on October 25, 2008 - 8:39am.
hahaha.. paano naman kasi etong si ading purke't gusto niyang mabili ang kanyang benta daming Promo na ini-ooper...
"manong, ading... hali na pi kayo't tikman ninyo ang aking pinya" ani dalaga sa mga grupo ng mga kalalakihang dumadaan..
"Tikman po ninyo, bagong bukas ho yan. medjo maasim pero masarap" dugtong ng dalaga.
Napangiti ang mga kalalakihan at tig-isa nilang tinikman ang pinya ng dalaga (ang bentang pinya ng dalaga). Nasarapan sila sa kanilang natikma.
"Mga manong BAYARAN NYO NA YANG KINA-IN NYONG PANINDA ko at nang may pambili ako uli ng sayote na ibebenta ko bukas" sabay singil sa mga tumikin sa pinya.
Nagsimula ang double meaning
Submitted by jonsdmur on October 25, 2008 - 6:49pm.
Nagsimula ang double meaning ng pinya sa pelikulang Patikim ng pinya... sa pagkakaalam ko dati wala pa itong double meaning... malayo naman kasi ang pinya sa mga peanuts, greenshell at iba pa.... heheheheh
Nakakatawa naman yong kwento... kung bibigyan ng meaning nakakatawa pero kung hindi eh parang wala lang... since na gets ko ang kwento napangiti na rin ako...
Keep on posting.... minsan nakakawala rin ng stress ang ganitong kwento hihihihihi
jonsdmur
parang wala lang
mayroong mga plain stories
mayroong mga stories na may meaning
mayroong mga stories na double meaning
ngunit ang lahat ng istorya ay kapupulutan ng iba't ibang aral habang hinuhukay mo ang deeper meaning nito.
Ilang beses nga narebisa ito...
Submitted by dyeppri on October 27, 2008 - 3:55pm.
Ilang beses nga narebisa ng MTRCB itong pelikula ni Osang na ito.
Sa akin noon ay hindi ko din makuha ang kabastusan ng titulong "patikim ng Pinya" at nabastos lang ito ng malathala sa bulgar ng mainterbyu si Osang na ang pakahulugan daw sa kanya ay "Patikim ng P--- nya" o patikim ng puke nya. Ayun at nakuha ko ang iba pang meaning nito. Di naman bastos at nasasaisip lang ito!
Ako ay naniniwalang ang kabastusan ay nasasaisip lang ng tao. Halimbawa nito ay si Insyang na lokaloka sa palengke na naglalakad ng hubad. Hindi siya pinapansin kasi sanay na ang tao sa kanya, sa ganoon. Parang penis o vagina na sanay na tayo sabihin ito di tulad ng bayag at puke. tnx
............................................................................................................
"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."
all in the mind
tama ka, dyeppri. nasa isip ng tao ang kabastusan. sabi nga ni joey de leon ay depende raw ito sa kung paano ba ang pakahulugan mo sa salita.
halimbawa ay:
"bakit ka nakaluhod?".
Tea nga dyan!
Submitted by rom26factolerin on November 3, 2008 - 2:40pm.
nung isang araw nakikinig ako ng AM station sa radyo. seryoso ang topic--tungkol sa kalusugan. sabi ni Ariel Ureta "ako nga pa tea-tea na lang e para makaiwas sa sakit" Biglang natawa yung dalawang babaeng kasama niya sa istasyon. tsaka pa lamang napansin ni Ariel na ang sinabi niyang Tea-tea ay tunog "titi" --bigla siyang kumambiyo...tsaa na lang daw
kung di lang sana humagikgik at nag react ng "funny" yung dalawang malisyosang babae na kasama niya sa booth wala lang sana yuin e, kasi nasa konteksto naman yung binitawan niyang salita.
tama kayo nasa nag-iisip lang talaga ang kabastusan
check out Black Orchid Part 2 on: www.blah-blahblogs.com
kabataan
Submitted by hectorolympus on November 3, 2008 - 3:46pm.
ngunit sana'y makita nang gobyerno ang kahalagahan nang pagtuturo ng "sex education" sa mga kabataan upang maituro sa kanila ang tama at mali.
sa dami nang mga double meaning na naririnig sa kanta, sa pelikula, sa mga palabas sa tv, sa nababasa sa mga diyaryo, hindi maiiwasang mamulat sila at magtanong tungkol dito.
sana'y maituro sa kanila kung ano ang tama.
uu nga po...
Submitted by dyeppri on November 3, 2008 - 4:16pm.
minsan naman po ay nasa kung sino ang nagbibitiw ng salita ang kabastusan nagmumula. Tulad noon sa Gobinggo ng tanungin ni Arnel Ignacio si Philip Salvador kung ano ang paboritong pagkain nito sa almusal at sagot nito ay"egg & hotdog with fried rice". Sabi naman ni Arnel Ignacio ay "ako din", sabay nagtawanan ang mga audience.
............................................................................................................
"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."
bastos ba ang pinoy?
Submitted by hectorolympus on November 3, 2008 - 4:29pm.
so that leads me to the question:
bastos ba ang pinoy?
o hindi lang pinoy, kundi anumang lahi,
ay may instinct nang pag-iisip ng double meaning?
okiy lang maging bastos...
Submitted by dyeppri on November 3, 2008 - 4:35pm.
okiy lang maging bastos sa paraang pagbibigay ng jokes 'wag lang ang maging asal bastos.tnx
............................................................................................................
"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."
Uhmmmm
Submitted by spike_west on November 3, 2008 - 4:39pm.
Well, sa totoo lang di ako gaanong natawa, ewan ko kung bakit! Nung sinabi ng batang lalaki na Pinya, eh hindi naman siguro magiging bastos kasi lalaki naman sya, at wala syang P, so parang di naman kapani paniwala.
Pero ano pa man din, sa simpleng mga salita at dialogue, nakuha ng mambabasa ang gusto mong ipahatid, so masasabi mo namang naging effective ang very short story mo.
Tungkol namn sa kabastusan, eh sa panahon ngayon na medyo mulat na ang lahat sa kabastusan o kamunduhan, hindi mo maiiwasan mag-isip ng marumi. Totoong nasa ating mga isip kung bastos o hindi, pero depende din yun sa taong nagsasabi nito. Minsan kasi ang sinisisi pa ay yung taong nag-iisip pero ang totoo nyan eh yung taong nagsabi ang dapat unang tingnan.
Pero bro okay yung post mo baks opis
Ingat
Spike
“It is better to be a good nobody than an evil somebody.” -From the Movie Igor
patikim ng piko
Submitted by hectorolympus on November 3, 2008 - 5:29pm.
spike_west wrote:
Well, sa totoo lang di ako gaanong natawa, ewan ko kung bakit! Nung sinabi ng batang lalaki na Pinya, eh hindi naman siguro magiging bastos kasi lalaki naman sya, at wala syang P, so parang di naman kapani paniwala.
Tungkol namn sa kabastusan, eh sa panahon ngayon na medyo mulat na ang lahat sa kabastusan o kamunduhan, hindi mo maiiwasan mag-isip ng marumi.
salamat nang marami sa komento, spike. natuwa lang ako sa opening comment mo. at napag-isip.
hindi siguro pinya- kundi piko ang kalalabasan kung magkakagayon
=====
back to serious mode:
nabanggit mo nga na mulat na sa kamunduhan at kabastusan ang kultura natin. nakakalungkot at nakakaalarmang isipin-na sana nga lamang ay nabibigyan nang tamang gabay lalo na ang mga kabataan tungkol dito.
Sinabi mo pa
Submitted by spike_west on November 3, 2008 - 5:51pm.
Nakupo eh sa panahon ngayon 13 palang buntis na (parang yung kaklase ko nung greyd siks). Dahil na rin sa media, sa pelikula kung walang temang sex hindi gaanong mabenta. Sa TV naman kahit katanghaliang tapat puro greenjokes naman o di kaya mga babaeng nakabuyang buyang ang buong katawan at galak na galak pa kakasayaw. Sa dyaryo, kung dati ang frontpage ay balita, ngayon halos buong page eh sakop ng mga nagseseksihang mga larawan. Eh por dyos por santo, nacocorrupt ang mga utak ng mga bata ngayun. Tapos ang balita pa " PAPAYA NI ARA MINA, NGINASAB NI JOMARI", dyos ko po kawawang papaya naman yun!!
Kaya pati bata ngayon hayun nageeksperimento, hayun nauna pang magkaanak kesa magkaroon ng manika (mahal na kasi manika ngayun eh, eh di gumawa na lang, hahahah).
Basta iba na ang mga bata ngayun, kaya dapat patnubayan ng mga magulang kasi kung hindi mag-eexport na tayo ng bata kasi sa laki ng populasyon natin!!
Ingat uli
Spike
“It is better to be a good nobody than an evil somebody.” -From the Movie Igor
2 klase
Submitted by rom26factolerin on November 3, 2008 - 5:11pm.
2 kasi klase ng bastos isa yung sinasabing RUDE at isa naman yung may sexual connotation.
yung rude, alam natin yun walang modo, arogante etc.
yung pangalawa ang medyo tricky. kasi kung nasa konteksto ng pagpapatawa at ang nakarinig ay naaliw o natawa hindi matatawag na bastos pero kung may nakarinig na na offend--ayun! bastos para sa kanya.
ang mahalaga lang ilagay sa tamang konteksto ang pagbibitaw ng "kabastusan" kung nasa komedya ito o biruan tingin ko walang problema. pero kung seryoso ang usapan at bigla kang magpapasok ng "green jokes" out of bounds nga yun.
ano ba naman ang mundo kung walang tinatawag na kabastusan? may kanya kanya lang taste ang tao sa pagtanggap ng "bastos" kaya ingat na din bago magbitaw ng ganitong pananalita kundi baka ma WHAPAK! ng di oras.
bubble gang
Submitted by hectorolympus on November 3, 2008 - 5:34pm.
rom26factolerin wrote:
yung pangalawa ang medyo tricky. kasi kung nasa konteksto ng pagpapatawa at ang nakarinig ay naaliw o natawa hindi matatawag na bastos pero kung may nakarinig na na offend--ayun! bastos para sa kanya.
katulad na nga lamang nung isang segment kamakailan sa Bubble Gang:
sabi ni Michael V:
TINO ANG DAPAT NA TITIHIN. TINO ANG DAPAT NA ITUMBONG
(Sino ang dapat na sisihin. Sino ang dapat na isumbong).
-Yes, it must have been funny. But deep inside, i think it is somehow alarming. Especially for kids who love watching the show.-
ay sinabi mo pa! (2x)
Submitted by talulot on November 6, 2008 - 2:21am.
nung isang araw habang enrolment namin sa skul, narinig ko ang mga grade 4 students sa may canteen, sinisigaw yan declamation ni bitoy! tsktsk
dapat talaga maging vigilant na ang mga magulang sa pagpapanood ng bubble gang.....
fan ako ng bubble gang-- kaso alarming na ang mga jokes nila eh....kahit pa sabihin na late night na sila pinapalabas, marami pa ring bata ang nanunuod...
gabay talaga ng magulang ang kailangan....
s
aka iyong isa pa nilang segment si spoiled brat angelina ba un? ginagaya na kasi ng mga bata eh. akala kasi nila ok lang kasi nakakatawa....pero may hindi tama eh.
"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."
Laughtrip men!
Submitted by jeNadriano on November 4, 2008 - 12:11am.
Nakakatawa yung post mo. Simple lang pare pero para sa aking "mapaglaro ang isipan", sobrang laughtrip!
Kung magkakaroong ng ilang kabanata ang kwentong 'to, pwede mo rin siguro pakinggan ang mga kanta ng Grin Department para sa iba pang mga Promo ng mag-ina.
Katulad ng
Libre po kendi; Otso pa, may libre kang toothpaste, may libre kang toothbrush...
hehehe.
Sulat pa!!
\mm/
Ingat.
Steady.
Peace, Love & Rock N' Roll
Post a Comment