May ilang sandali na niyang pinagmamasdan ang inang tahimik na naghahanda ng hapunan sa kusina. Naalala nya, sampung taon na nga pala mula nang pumanaw ang kanilang ama dahil sa atake sa puso. Siguro, kung nabubuhay lamang ito ay masayang magkatuwang ang kanyang mga magulang ngayon habang nagluluto. Katulad noon na tuwina'y may malutong na tawanan sa loob ng kanilang tahanan tuwing nagbibiruan ang nanay at tatay nya.
Sumandali syang napapitlag nang mapansin ang pagdaloy ng luha sa mga mata ng ina. Gayunpama'y nagpatuloy pa rin ito sa ginagawa at di alintana ang pagpatak ng luha at pagkaramdam ng hapdi sa mata.
Sa gayo'y nagpasiya siyang pumasok na sa loob ng kusina.
"Nay, mano po", aniya.
"Nandiyan ka na pala anak. Ikaw na nga ang magtuloy nito't kanina pa mahapdi ang mata ko dito sa ginagayat kong sibuyas. Isunod mo yung bawang at maggigisa tayo ng gulay".
No comments:
Post a Comment