ito ang lugar na magsisilbing tambayan ng aking mga maikling kwento, sanaysay, at sari-saring artikulong sadyang maiksi ang pagkakagawa at perpektong basahin kasabay ng paghigop sa mainit na kape.

Monday, October 6, 2008

ym

bhebhegel: asl?

agent001: 26 m qc. u?

bhebhegel: am 24 f mla.

agent001: cool! so r u working now? r u also singl lyk me?

bhebhegel: singl also. i work in ortgas as sales assoc8. u? wat do u do?

agent001: am an agent.





<"Jackpot!!" sa loob loob ni bhebhegel. Di nya maiwasang kiligin habang ini-imagine ang hitsura ni Agent. Gwapo siguro, matangkad. Pihadong maganda ang katawan nito dahil agent. Kamukha kaya ni Dingdong? O ni Wendell? Baka naman kamukha ni Papa Alfred!!!>






agent001: Buzz!

agent001: hey! still ther?

bhebhegel: ahm! yes, yes! am still here.

bhebhegel: you hav cam?






<"Sana meron. Sana po, meron", di sya mapakali sa kasabikan. Pa'no ba naman, dream talaga nya ang magka boyfriend ng matangkad, gwapo at macho. Madalas nyang mapanaginipan na may ka-holding hands syang boyfriend na tipong action star ang pigura. Yung mga katulad ng mga paboritong panoorin ng nanay nya dati na action movies nila bong revilla, jeric raval, at ronnie ricketts. Baduy na kung baduy pero yun ang tipo nya. Yung para syang leading lady na kayang-kayang ipagtanggol ng leading man na agent.>

agent001: wala akong cam e. if you lyk, eb na lang tayo. ortgas ka db? i'll be somewhere in EDSA-Santolan tomoro. we can meet at rob ortgas after ur ofc hours.

<"Ambilis naman nito", sa loob-loob ni bhebhegel. "Sabagay, ganito naman yata talaga ang mga Agents. Mabalasik sa mga chicks. Jackpot na nga!. Tsaka EDSA-Santolan. Siguro magrereport sa Camp Crame bago kami magkita.>

agent001: buzz!!

agent001: hey! wat na?

bhebhegel: ok, ok. let's meet at rob starbucks at around 7 pm. i'll just giv u my cp number.

agent001: gr8! so c u then?





At muli nyang napanaginipan ang sariling ka-holding hands ang machong lalaking Agent ng buhay nya.

6:45 pa lang ay nasa starbucks na sya kinabukasan. Hindi naman halatang excited. Panay ang sulyap nya sa celphone kakahintay sa text ni agent. At nagtext na nga ang ka-eyeball.




/wher na u? am on my way n s starbucks. am wearng black pants n white polo barong-agent001/




Nahiya yata syang bigla. Naka slacks at blouse lang sya. Siguro SOP sa mga agent na dapat laging malinis ang dating. Parang si 007 na laging nakaputi.




/am here na s starbucks. am wearing khaki slacks and green blouse-bhebhegel./

At dumating na nga si Agent.

Naka-black shoes, black pants at white polo barong na may naka-burdang




"La Funeraria Paz".

"Ikaw ba si Bhebhegel? I'm Rick, Ahente ako ng Paz. I want to take the opportunity to present to you our product...."

Nakikini-kinita ni Bhebhegel kung anong smiley icon ang gusto nyang i-type.

Kung naka-ym lang sana sya ngayon.






11 comments:

dimas-away said...

kulang ng asukal. hahahaha... :)

hector_olympus said...

haha. oo nga. baka diabetic.

Anonymous said...

can't say anything...i can't hardly breathe..laughing hahaha!!!

Anonymous said...

kilitiin mo ko.... eheheheh...

i didnt expect na ganun kalalabas... ang cute ng story...

Anonymous said...

wahaha! nice one. and i like the name "bhebhegel", pang-inday. hahaha!

ooops.. i'm talking about the "inday accent". don't get me wrong, i ridicule no one, but i am actually practicing that accent for quite some time now. if you know anabelle rama, she speaks with the accent. and i heard this "bhebhegel" from marimar telenovela (nabubuking pagkajologs ko, hehe) si corazon dun, ganyan ang tawag nya kay crusita (daughter of marimar) which meant to be "baby girl". ^^

Anonymous said...

Nakakatuwa naman ang ending.. sa tunay na buhay talagang nakakainis ang ganun hihihihihi... after all mag-oofer lang pala ng produkto....

Nagustuhan ko ang story mo.. kakaiba kasi....

Jonsdmur

Anonymous said...

cute ang story kesehodang may punerarya pang kasama. This is an effective medium to drive home a point or a lesson.
I was chuckling as I read this.

Anonymous said...

aysowz kala ko nman kung anu ng storya na nakakatakot..nakakatawa lang
pala..harharhar

wazak!

Anonymous said...

ang kulit nung story...
nung una seryoso akong nagbabasa..
tapos nung bandang
huli tawa na ako ng tawa..hehehe

Anonymous said...

kuhanan na ng lote 'yan, at ilibing ng buhay!

Anonymous said...

waaaaahh!!! panalo hec!! moral story: wag mo sasabihin agad sa ka EB mo kung ano suot mo, tingnan mo muna kung pogi!! :D

Mga Reaksiyon

Kung Tabloid ang Over a Cup of Coffee, Ito naman ang Broadsheet ni Hector:

About Me

sa anumang tanong, suhestiyon at reaksiyon, maaaring mag-email kay hector sa address na ito: hector_olympus@yahoo.com

Mga Nakihigop ng Kape