ito ang lugar na magsisilbing tambayan ng aking mga maikling kwento, sanaysay, at sari-saring artikulong sadyang maiksi ang pagkakagawa at perpektong basahin kasabay ng paghigop sa mainit na kape.

Wednesday, September 10, 2008

Bilanggo


Pinilit ko sa sarili ko na hinding hindi na.

Hinding hindi na.

Sapat na ang mahigit dalawampung taong pinangilagan kita at ituring ang sarili kong bilanggo sa rehas ng pag-iisip sa'yo.

Hinding hindi na.

At kanina-kaninang bago pa man ako humimlay ay muli kong ipininid ang mga pinto at bintana upang masiguradong hindi mo na ako gagambalain magpakailanpaman.

Ngunit sadya kang mapusok at mapagbiro.

Muli kong nabanaag ang katawang iyon na hindi ko maipagkakailang iyo.

Iyong-iyo.

Sa pagmulat ng aking mga mata'y nabanaag kong unti-unti kang lumalapit sa akin.

Palapit ng palapit.

At dahan-dahan kong iginalaw ang aking kamay upang kapain sa karimlan ang sandatang iyon na sadya kong inihanda para sayo... habang wala kang kamalay-malay na unti-unting lumalapit sa mura kong katawan.

Palapit. Palapit ng palapit.

Ngayon na!






PLAK!!!!!

At sumambulat ang katawan mo sa palo ng tsinelas ko.



Bwisit kang ipis ka.










1 comment:

Anonymous said...

this piece is haunting....

hindi ko alam na ipis 'yon hanggat sinabi
mo na ipis "nga" iyon.

sadya ang pagkakaroon ng sexual connotations

Mga Reaksiyon

Kung Tabloid ang Over a Cup of Coffee, Ito naman ang Broadsheet ni Hector:

About Me

sa anumang tanong, suhestiyon at reaksiyon, maaaring mag-email kay hector sa address na ito: hector_olympus@yahoo.com

Mga Nakihigop ng Kape