ito ang lugar na magsisilbing tambayan ng aking mga maikling kwento, sanaysay, at sari-saring artikulong sadyang maiksi ang pagkakagawa at perpektong basahin kasabay ng paghigop sa mainit na kape.

Monday, September 15, 2008

Engagement Ring

"Tutuloy ka pa ba, anak?", tanong ni Aling Pining sa kanya.

"Nay, naman, ulan lang yan. Tsaka di mo naman malaman ang panahon ngayon. Makulimlim pero di naman uulan. Maaraw ngayon, mamaya, uulan. Tsaka sandali lang naman ako dun, nay. Ihahatid din ako dito ni Jigs mamaya pauwi."

Di pwedeng hindi sya pumunta. Aba, bihirang bihirang magyaya ng date si Jigs. At sa restaurant pa. Ano kaya'ng meron? Baka kaya yayayain na syang magpakasal. 2 years na rin sila, at totoo nga yata ang kasabihang "First Love Never Dies", dahil first love nya talaga ang binata.

Naunahan pa nya si Jigs sa restaurant. Pero ayos lang, dahil excited sya at hindi mapakali sa kakaisip kung magpo propose na ito ng kasal. Pa'no kaya? Luluhod si Jigs sa harap nya at ilalabas ang kahita ng singsing? Ano'ng gagawin nya? Iiyak? Magugulat kunyari? Sisigaw o ngingiti ng pagkatamis-tamis?

At dumating na nga si Jigs. Umupo sa harap nya ang gwapong gwapong boyfriend.

Medyo napapitlag sya nang masuyong ipatong ni Jigs ang kamay nito sa kamay nya sa ibabaw ng mesa. Para syang mahihimatay nang tumitig sa kanya ang malamlam nitong mga mata.

"Jena, i'm gonna tell you something", at mabagal na ipinamulsa ni Jigs ang kaliwang kamay sa pantalon at halatang may dinudukot doon.

"Eto na", sa loob-loob ni Jena. Para syang maiihi sa kakahintay ng katagang 'will you marry me?'

"Jena, we can't be together anymore. Nagkikita kami ulit nung dati kong girlfriend. She's 3 months pregnant. Jena, I hope you understand..... sorry", bulalas ni Jigs sabay angat ng kaliwang kamay mula sa bulsa na may hawak na panyong pamahid sa namumuong mga pawis sa noo.

At bumuhos ang kanina pa nakapondong malakas na ulan.






5 comments:

Anonymous said...

naluha ako dito,promise..
more..
more..

Anonymous said...

akala ko ang ending eh,

at bumunot ng baril si jigs para ibigay kay jena sabay
sabi: "bibigyan kita ng isa, pag may batik batik. pramis."

hector_olympus said...

at pagkahawak na pagkahawak ni jena ng baril ay itinutok ito kay jigs sabay
kinalabit ang gatilyo.

PIK!

wala palang bala.

Anonymous said...

Hector,
bakit po Jena ang ngalan ng babaeng bida?pwede namang Gina o
Matutina

ano po shoesize ni Jigs? for reference only. tsaka,gago po ba
si Jigs,eto kasi ang dialogue n'ya.

"Jena,we can't be together
anymore.Nagkikita kami ulit nung dati kong girlfriend.She's 3 months
pregnant.Jena, I hope you understand.....sorry",

Looking forward for your cooperation.Thanks and best
regards,Jigs meow meow

Kupal po s'ya.

sa
mga kababaihan:Siguraduhing hindi ka baog para ikaw ang mabuntis ng bf
mo,hindi ang ibang babae.

sa mga kalalakihan:Hindi kasalanan ang magkaroon
ng malaking shoesize.pero hindi ibig sabihin na pag may sapatos na
pagkakasyahan ang ating mga paa, ngangaragin mo na..ang sapatos.Mabuti
pang magpaa,kaya lang pagmasyado, kinakalyo.

hector_olympus said...

jena ang pangalan dahil yun ang pangalang nakita ko sa ID ng
estudyanteng nakasabay ko sa jeep.

size 10 1/2 ang shoesize ni jigs.
kapag leather.
size 11 1/4 kapag rubber shoes.

Mga Reaksiyon

Kung Tabloid ang Over a Cup of Coffee, Ito naman ang Broadsheet ni Hector:

About Me

sa anumang tanong, suhestiyon at reaksiyon, maaaring mag-email kay hector sa address na ito: hector_olympus@yahoo.com

Mga Nakihigop ng Kape