ito ang lugar na magsisilbing tambayan ng aking mga maikling kwento, sanaysay, at sari-saring artikulong sadyang maiksi ang pagkakagawa at perpektong basahin kasabay ng paghigop sa mainit na kape.

Sunday, September 7, 2008

Charity




Saktong paghinto ng jeep sa pagpula ng ilaw ng stoplight, umakyat sa loob ang isang batang gusgusing may hawak na lumang trapo.

Inumpisahang punasan ng bata ang sapatos nya. Pagkatapos ay lumipat sa kasunod na mga pasahero at isa-isang pinunasan ang mga sapatos ng dala nitong basahan.

Awang awa sya habang pinagmamasdan ang bata. Pilit iniisip kung bakit may mga magulang na hinahayaang mamalimos ang mga batang ni wala pang muwang sa mundo.

Dala ng habag, sumandali nyang inilapag ang hawak na cellphone sa ibabaw ng mga hita upang makadukot ng barya sa bulsa habang nakatanghod sa kanya ang kawawang bata.

Saktong sa pagpalit ng kulay ng stoplight ay mabilis ding hinablot ng batang gusgusin ang cellphone sabay tumalon pagbaba ng jeep at walang lingon-likod na kumaripas ng takbo.







No comments:

Mga Reaksiyon

Kung Tabloid ang Over a Cup of Coffee, Ito naman ang Broadsheet ni Hector:

About Me

sa anumang tanong, suhestiyon at reaksiyon, maaaring mag-email kay hector sa address na ito: hector_olympus@yahoo.com

Mga Nakihigop ng Kape