ito ang lugar na magsisilbing tambayan ng aking mga maikling kwento, sanaysay, at sari-saring artikulong sadyang maiksi ang pagkakagawa at perpektong basahin kasabay ng paghigop sa mainit na kape.

Wednesday, September 10, 2008

Si Maria Mahinhin

Kayraming nagsasabing tatandang dalaga si Maria Mahinhin.

Sobrang yumi at ni hindi makabasag-pinggan. Laging nakatungo at sobrang mahiyain si Maria Mahinhin.

Maging mga kalalakiha'y hindi makalapit sa sobrang hinhin ni Maria Mahinhin.

Ngunit isang araw, nagbunyi ang lahat sa balitang narinig. Ikakasal na raw si Maria Mahinhin.

"Mapalad si Tonying!" ang sigaw ng madla. Dahil nasungkit nya si Maria Mahinhin.

At idinaos na nga ang kasal ni Tonying at ni Maria Mahinhin.

Makalipas ang pitong buwan, nagsilang ng sanggol si Maria Mahinhin.

Ay, ay, ay. Sobrang hinhin ni Maria Mahinhin.










8 comments:

dimas-away said...

talaga bang di makalapit ang kalalakihan sa mga mahihinhin?

hector_olympus said...

kung minsan kasi, mahirap talagang lapitan ang mga "reserved" na tao.

siguro, iniisip ng karamihan na "hard to get" ang mga mahinhin na mga babae kaya medyo alangan sila na lapitan at kausapin

Anonymous said...

ayy.. kaya naman pala wala pa kong boyprens hanggang ngayon.. sobrang hinhin ko kasi eh.. hihihi..

Anonymous said...

Ganun ba? Kaya pala ngayon lang ako nagka-bf. Nakarelate ako ha. Sobrang hinhin kc ni Jhemsky! ;))

hector_olympus said...

ay, tama ka, anonymous. mahinhin nga si jhemskytots yourluv.

buti nga nagka boyfrend ka na eh. kundi tatanda kang dalagang dyosa.

at si cute. ay naku, maging sobrang hinhin ka pa. go girl!

Anonymous said...

naku, lumang istorya na ang ganito. meron talagang mga babae na akala mo di makabasag pinggan pero wag ka, wild na wild pala. hahahaha.

Manong Fred

hector_olympus said...
This comment has been removed by the author.
missminchin said...

looks can be deceieving :D

Mga Reaksiyon

Kung Tabloid ang Over a Cup of Coffee, Ito naman ang Broadsheet ni Hector:

About Me

sa anumang tanong, suhestiyon at reaksiyon, maaaring mag-email kay hector sa address na ito: hector_olympus@yahoo.com

Mga Nakihigop ng Kape