ito ang lugar na magsisilbing tambayan ng aking mga maikling kwento, sanaysay, at sari-saring artikulong sadyang maiksi ang pagkakagawa at perpektong basahin kasabay ng paghigop sa mainit na kape.

Monday, September 8, 2008

Nagdadalaga

"Nay, penge akong 300", malambing na sabi nya sa Nanay nyang kapapanalo lang ng 2,000 sa jueteng.

Tingin nya, sapat na yung 300 para mabili yung bestidang ilang araw na rin nyang pinagpapantasyahang bilhin sa patahian ni Ate Lusing.

Ilang linggo na nang maulinigan nya ang sinabi ng kanyang crush na si Sherwin sa barkada nito. "Pare", ani Sherwin, "ang tipo ko sa babae, yung medyo makaluma. Yun bang laging nakabestida. Babaeng babae ang dating".



"O, aanhin mo naman ang 300?" sabi ng Nanay nya.

"May nakita kong bestida dun, Nay, ke Ate Lusing, ang ganda ganda, bulaklakin."

"O, e aanhin mo ang bestida, aber?!", singhal ng Nanay nyang nanlalaki na ang mga mata.

"Nay...., eh, yung crush ko, ang tipo nya daw, eh, yung medyo makaluma. Yung tipong laging nakabestida, ganun".

"Aba't! Tumigil ka na sa ilusyon mo, ha?!!!", muling singhal ng Nanay nya.

"Nay naman, hindi na po ako bata. At saka, natural lang naman sa kahit kanino ang ma-inlab, di ba, Nay? Nay, magdidisiotso na po ako sa isang buwan, Nay. Di na po ako nene."

"Talagang di ka na nene! At kung ayaw mong masaktan, tigilan mo na yang kaka ilusyon mo, dahil kahit kelan eh hindi ka magiging dalaga, Efren!!!!"









No comments:

Mga Reaksiyon

Kung Tabloid ang Over a Cup of Coffee, Ito naman ang Broadsheet ni Hector:

About Me

sa anumang tanong, suhestiyon at reaksiyon, maaaring mag-email kay hector sa address na ito: hector_olympus@yahoo.com

Mga Nakihigop ng Kape