ito ang lugar na magsisilbing tambayan ng aking mga maikling kwento, sanaysay, at sari-saring artikulong sadyang maiksi ang pagkakagawa at perpektong basahin kasabay ng paghigop sa mainit na kape.

Tuesday, September 16, 2008

No U-turn

"Lisensya", paasik na sabi ng enforcer.

"Boss, pasensya na, ngayon lang ako nadaan dito. Tsaka kita mo naman boss yung No U-turn sign oh, natatakpan ng mga dahon ng puno."

"Lisensya, akina na't naaabala mga pasahero mo pag nagdiskusyon pa tayo. Hirap sa inyo, gustong gusto nyong baliin ang batas, pag nahuli kayo, para kayong maamong tupa."

"Boss, pasensya na talaga", sabay abot nya ng lisensya.

"Niloloko mo ba ko?!", bwelta ng enforcer. "Ano 'tong nakaipit na'to?!!!"

"Boss, pangmerienda para di na tayo pareho maabala dito. Kawawa mga pasahero, oh."

"Itabi mo 'tong jeep at sundan mo ko dun sa lilim! Akala mo ba maloloko mo ko sa singkwenta mo?"

Sa lilim ng mga dahong nakatakip sa No U-turn sign, "Dagdagan mo pa 'tong singkwenta ng isangdaan para abswelto ka na".

"Boss, kapapasada ko lang, treinta na lang tong nasa bulsa ko. Pasensya na talaga, boss".

"Sige na, sige na! Akina pa yang treinta mo diyan para makapasada ka na. Inip na mga pasahero mo".






No comments:

Mga Reaksiyon

Kung Tabloid ang Over a Cup of Coffee, Ito naman ang Broadsheet ni Hector:

About Me

sa anumang tanong, suhestiyon at reaksiyon, maaaring mag-email kay hector sa address na ito: hector_olympus@yahoo.com

Mga Nakihigop ng Kape