"This is it!", sabi nya sa sarili. Di nya mapigilang mapangiti habang inaalala ang sabi ng manager nya.
"You're selected by our big bosses to represent our Company in an International Sales Conference on September 27, 2008 at Dusit Hotel. It will run from 8:00 am to 6:00 pm. Don't be late. Bihira ang pinapadala ng company sa ganoong Conference. Remember, you are carrying the name of our Company... so make us proud, Allan. "
Hanggang pagbalik nya sa work area nya ay naririnig nya ang alingawngaw ng tinig, "Make us proud, Allan".
Maaga syang umuwi ng araw na iyon. Dadaan sya sa SM. Bibili sya ng Long Sleeves at bagong pantalon. Kailangang bago ang suot. "Make us proud, Allan. Make us proud."
Halos di sya makatulog pagdating ng Huwebes. Excited. Mali. Super excited ang tamang salita sa nararamdaman nya. Alam nya kasing bihira talaga ang ipinapadala ng company sa ganoong Conference. At yung mga iilang naipapadala, sila ang kadalasang naipo-promote ng kumpanya.
"Make us proud, Allan." Parang musika sa tengang patuloy nyang naririnig hanggang sa makatulugan nya. "Make us proud."
Napabalikwas sya nang marinig ang tunog ng alarm clock. 5:30 na ng umaga.
Ni hindi na nya nagalaw ang inihandang almusal ng nanay nya. Patakbo na syang humangos palabas ng pinto matapos ang ilang higop ng kape.
Kailangang naka-taxi para mabilis ang byahe. Kunsabagay ay maaga pa naman.
"Make us proud, Allan", musikang paulit ulit na kumikiliti sa tenga nya.
Saktong 7:30 ng dumating sya sa hotel. Mainam nang maaga kaysa huli. Dagdag pogi points sa mga ka meeting nya kung maaga syang darating. Pagpasok nya sa main entrance ng hotel ay masuyo nyang binati ang magandang receptionist sa Front Desk.
"Good morning", aniya.
"Good morning, sir, saan po sila?", sabi ng receptionist.
"Ahm, I'm going to attend the International Sales Conference. I'd like to know kung saan ang Function Room."
"Naku sir, hindi pa po pwedeng pumunta doon".
"What do you mean? Miss, I need to go there now coz i'm going to be late for the meeting. 8:00 am ang start and it's already 7:45".
"Eh, sir...... September 27 po ang Conference. September 26 pa lang po ngayon".
Para syang binuhusan ng malamig na tubig.
Old Names Flourish in Latest SWS Senatorial Survey
-
The Social Weather Station (SWS) has released its latest Survey on
preferred Senatoriables. Conducted last January 17 to 19, the survey shows
old names en...
11 years ago
No comments:
Post a Comment