ito ang lugar na magsisilbing tambayan ng aking mga maikling kwento, sanaysay, at sari-saring artikulong sadyang maiksi ang pagkakagawa at perpektong basahin kasabay ng paghigop sa mainit na kape.
Wednesday, December 17, 2008
XL
Pahinante: Pre, 'di na kasya. Me dalawang mataba sa kaliwa.
Sad to Belong
Tuesday, December 16, 2008
Unlitxt
,kuya..
,lp8 na..
,qme..Wer..
,nah poh..Qau?
From: +63915xxxxxxx
6:29pm 16-DEC-08
Sunday, December 14, 2008
Tuesday, December 9, 2008
Veil Sponsor
Friday, December 5, 2008
Friendster
Ngayon, nadaanan ko lang sa listahan nang friendster updates yung profile mo. May bagong posted picture ka kasi.
Mukhang masaya ka naman; kasi ang luwang ng ngiti ninyo nang lalaking nakayakap sa'yo.
-ex
Tuesday, November 25, 2008
Passing the Torch
(interpretation: Mayor, ano po ang masasabi ninyo sa tanong ng mga nasasakupan nyo kung bakit ang anak nyo na hindi naman government official ang pinili ninyong mamuno sa City Development Council?)
Mayor: You know, my son is very much capable to do the job. I believe in what he can do for the development of our beloved city.
(interpretation: Tinatanong pa ba yan? Last term ko na. Kailangan ngayon pa lang eh makilala na si Dyunyor at mabigyan nang mas maraming exposure. Tingin nyo ba aalis ako ng ganun-ganon na lang sa City Hall? Ano, bale?)
Wednesday, November 12, 2008
Counter Offer
"Shhh", sabing ngingiti-ngiti ni Joey Boy. "Wag kang iskandaloso, diyan, parekoy. Alam mo,yun ang naisip kong pwedeng technique para tumaas ang sweldo ko".
"Ha? What do you mean, pare?", sabi ni Rico.
"Utakan lang yan, Rico babeh. Kita mo, ni hindi tayo na-increase-an ngayong taon na 'to. Lumaki ang Sales, pero tayong mga nagpapakahirap magbenta, ni hindi mabigyan nang kahit pisong increase. Pa'no ka naman dun?", sagot ni Joey Boy.
"O? E dahil dun magreresign ka na?", ani Rico.
"Tsk! Ganito nga, parekoy, ang plano", sabi ni Joey Boy. "Kunyari lang yung resignation ko. Pagpasa ko ng resignation letter at kinausap ako ni Boss, sasabihin ko, me offer na mas mataas sa akin sa ibang company. Syempre dahil above quota ako last year, pipigilan nya ako. Magbibigay sya nang counter-offer sigurado. O? Gets mo? Easy money, parekoy! Utak ang kailangan para umasenso!"
"So parang mananakot ka lang pala pero di ka magreresign? Parang blackmail ata yan, Joey Boy", ani Rico.
"Eh, pare, sabi naman sa'yo, kailangan dito, utak. O, naka-draft na 'ko nang resignation letter ko, baka gusto mong kopyahin. Sumabay ka na sa pagreresign ko, pare, para pareho tayong me increase."
"Ikaw na muna, pare. Pag ayos yang gimik mo, susunod ako."
At tulad nang inaasahan ni Joey Boy, pinatawag nga sya nang Boss para kausapin.
"Joey Boy, you've been one of our top performers last year. Can't you stay and still be a part of us?", bungad ni Boss.
"Sir, I've got a better offer sa kabilang company. 5K higher than my current salary, plus they have rice and transpo allowance, Sir.", pagmamalaking sagot ni Joey Boy. Ngayon pa lang ay nag-iisip na sya kung magkano ang Counter-offer na ibibigay nang Boss nya.
"Well, Joey Boy, I've got to tell you that I was planning to give you a promotion next month. However, I think you've found a great job out there so I wouldn't stop you from having it.", sabi nang Boss nya habang inilahad ang kamay upang kamayan sya. "Congratulations, Joey Boy on your new job. And Goodluck".
Thursday, October 30, 2008
You've Got M@il
Si Rob na itinuring nyang kapatid at bestfriend simula't sapul ay may lihim palang pagtingin sa kaparehong kasarian. Hindi niya lubos-maisip na mamahalin siya ni Rob nang katulad nito.
Makalipas ang ilang oras ding pag-iisip ay ipinasya nyang sagutin ang email ng kababata.
>>>>>> I'm flying to California next week, Rob. I LOVE YOU TOO, PARE<<<<<
Wednesday, October 22, 2008
Patikim ng Pinya
'WAPAK!!!!'
Bumakat sa pisngi nya ang kamay ng dalagang gigil na gigil na umalis pagkasampal sa mukha nya.
"Bakit ba, anak, ha?", ang sabi nang nanay nyang pabiglang lumapit sa kanya.
"In-oper ko lang naman, Nay, yung promo natin, eh", mangiyak ngiyak nyang sabi habang hinihimas ang nag-iinit pang pisngi. "Tinanong kasi nya kung magkano daw itong hotdog".
"O, eh bakit ka ngarod sinampal?, anang ina.
"Eh, sabi ko, 'Miss, iyo na yang hotdog ko, basta't bibilhin mo ireng dalawang itlog ko'. Eh 'di ba Nay, me promo tayong buy 1 take 3, Nay?, paliwanag nya sa Ina. "Tapos yun, Nay, bigla na lang bumalatay sa mukha ko yung kamay nya!"
"Sya, hamo na yun", sabi na lang ng ina. "Bukas, me bago tayong mga parating na paninda. Mag-isip ka nga anak ng bagong promo para gumanda naman ang benta natin."
"Ano po bang ititinda natin bukas, Nay?"
"Pinya, anak".
Unti-unting nagliwanag ang mukha nya sa naisip na promo.
Tuesday, October 14, 2008
Happy Birthday, Ronnie
Monday, October 13, 2008
Sa Veranda
Tandang-tanda pa nya noong 3rd year college sya. First-time nyang magpatuloy ng manliligaw sa bahay. Hindi pa halos nakakaupo ang binata ay tila mauupos na itong parang kandila sa takot sa Tatay nya.
"Ilang taon ka na ba Hijo? Nagtatrabaho ka na ba? Alam mo bang noong panahon namin ay kahihiyan kung manliligaw kami na hindi namin kayang pakainin ng tatlong beses isang araw ang babaeng napupusuan namin?"
At bilang pagwawakas, "Bumalik ka na lang ulit, hijo, kapag gradweyt ka na at kaya mo nang buhayin ang anak ko."
Masamang-masama ang loob nya sa kanyang Tatay noon. Hiyang-hiya rin sya sa manliligaw.
Maliban sa pagiging masungit sa mga nanliligaw sa kanya, wala naman syang natatandaang anumang pangit pang ugali ng ama. Alam nya ang hirap na dinanas nito mapagtapos lang sya sa kolehiyo. Undergraduate ang Tatay nya pero nagsikap na magtrabaho alang-alang sa pag-aaral nya at para matustusan ang pang-araw araw nilang pangangailangan. Wala rin itong bisyo. Bihirang bihirang tumikhim ito ng alak. Kung may isa itong masasabing bisyo, ito ang madalas na pag-inom ng kape.
Minsang may isang binatang naglakas-loob na dumalaw, halos naka-dalawampung minuto pa lang sa pagkakaupo ay nagparamdam na ang Tatay nya.
"Wala ka bang pasok bukas, binata?", bungad ng Tatay nya.
"Naku wala po," sabi ng manliligaw. "Pa extra extra ako diyan sa pagpasada ng jeep. Eh mukhang maulan bukas kaya nakakatamad hong mamasada."
"Eh mabuti pa ikaw at walang pasok. Alam mo bang iyang si Emily ko eh gigising pa ng maaga bukas? Me pasok pa kasi yan sa trabaho eh. Kaawa awa naman kung mahuli sa pagpasok.", medyo pa sarkastikong tugon ng ama. "Atsaka medyo gumagabi na, wari ba'y gusto na rin naming matulog. Hindi ba, Emily?"
Hindi na nya hinintay ang anupamang sasabihin ng ama at hinila na ang manliligaw palabas ng bakuran.
Kapag balik nya sa bahay ay gusto nyang mainis sa sinabi ng ama. "Mag-init ka nga ng tubig Emily, at ipagtimpla mo ako ng kape."
"Akala ko ba'y matutulog na kayo?," halos pa dabog nyang sabi. Salamat na lang at sinenyasan sya ng ina para huwag nang magpakita ng inis sa ama.
Ito ang dahilan kung bakit hindi nya mapatuloy sa bahay si Ed, ang kaopisinang kasintahan na nya ng may limang buwan.
"Hindi mo kasi kilala ang Tatay ko, eh" sabi nya nang muling igiit ni Ed na gusto na nitong makilala ang mga magulang nya.
"Eh, pa'no? Akala ko ba gusto mo na ring makasal tayo?" sabi ni Ed. "Kailangang makilala na rin ako ng mga magulang mo para naman maipakita kong tapat ako sa hangarin ko sa'yo."
"Ed, baka kasi..."
"Emily, hindi natin malalaman kung hindi natin susubukan"
"Sige, sa linggo ng gabi...."
Dalawang gabi rin syang hindi halos makatulog habang iniisip ang mangyayari sa Linggo. Inihanda na nya ang sarili sa anumang sasabihin ng ama.
Dumating si Ed na may dalang bulaklak para sa kanya at para sa Nanay nya. Matapos maiabot ang mga bulaklak ay magalang itong nagpakilala sa kanyang mga magulang. At binanggit ang malinis na hangarin nito sa pagdalaw sa anak nila.
"Emily," banggit ng Tatay nya. "Mag-init ka, anak, ng tubig at ipagtimpla mo kami nitong si Ed ng kape."
"Halika doon sa veranda, binata. Doon kata maghintay kay Emily. Malamig ang hangin, tamang-tama sa mainit na kape".
Wednesday, October 8, 2008
Dubai
Monday, October 6, 2008
ym
agent001: 26 m qc. u?
bhebhegel: am 24 f mla.
agent001: cool! so r u working now? r u also singl lyk me?
bhebhegel: singl also. i work in ortgas as sales assoc8. u? wat do u do?
agent001: am an agent.
<"Jackpot!!" sa loob loob ni bhebhegel. Di nya maiwasang kiligin habang ini-imagine ang hitsura ni Agent. Gwapo siguro, matangkad. Pihadong maganda ang katawan nito dahil agent. Kamukha kaya ni Dingdong? O ni Wendell? Baka naman kamukha ni Papa Alfred!!!>
agent001: Buzz!
agent001: hey! still ther?
bhebhegel: ahm! yes, yes! am still here.
bhebhegel: you hav cam?
<"Sana meron. Sana po, meron", di sya mapakali sa kasabikan. Pa'no ba naman, dream talaga nya ang magka boyfriend ng matangkad, gwapo at macho. Madalas nyang mapanaginipan na may ka-holding hands syang boyfriend na tipong action star ang pigura. Yung mga katulad ng mga paboritong panoorin ng nanay nya dati na action movies nila bong revilla, jeric raval, at ronnie ricketts. Baduy na kung baduy pero yun ang tipo nya. Yung para syang leading lady na kayang-kayang ipagtanggol ng leading man na agent.>
agent001: wala akong cam e. if you lyk, eb na lang tayo. ortgas ka db? i'll be somewhere in EDSA-Santolan tomoro. we can meet at rob ortgas after ur ofc hours.
<"Ambilis naman nito", sa loob-loob ni bhebhegel. "Sabagay, ganito naman yata talaga ang mga Agents. Mabalasik sa mga chicks. Jackpot na nga!. Tsaka EDSA-Santolan. Siguro magrereport sa Camp Crame bago kami magkita.>
agent001: buzz!!
agent001: hey! wat na?
bhebhegel: ok, ok. let's meet at rob starbucks at around 7 pm. i'll just giv u my cp number.
agent001: gr8! so c u then?
At muli nyang napanaginipan ang sariling ka-holding hands ang machong lalaking Agent ng buhay nya.
6:45 pa lang ay nasa starbucks na sya kinabukasan. Hindi naman halatang excited. Panay ang sulyap nya sa celphone kakahintay sa text ni agent. At nagtext na nga ang ka-eyeball.
/wher na u? am on my way n s starbucks. am wearng black pants n white polo barong-agent001/
Nahiya yata syang bigla. Naka slacks at blouse lang sya. Siguro SOP sa mga agent na dapat laging malinis ang dating. Parang si 007 na laging nakaputi.
/am here na s starbucks. am wearing khaki slacks and green blouse-bhebhegel./
At dumating na nga si Agent.Naka-black shoes, black pants at white polo barong na may naka-burdang
"La Funeraria Paz".
"Ikaw ba si Bhebhegel? I'm Rick, Ahente ako ng Paz. I want to take the opportunity to present to you our product...."
Nakikini-kinita ni Bhebhegel kung anong smiley icon ang gusto nyang i-type.
Kung naka-ym lang sana sya ngayon.
Thursday, October 2, 2008
Wednesday, October 1, 2008
Hapdi
Sunday, September 28, 2008
Dirty Finger
"Tawagin mo nga rito yang batang yan!", sabi ng amo habang kinakapa ang tsinelas.
Ihahataw na sana ng amo ni Inday ang tsinelas nang makita nyang puno nang putik ang hinlalaki ni Junior.
Thursday, September 25, 2008
Super Excited
"You're selected by our big bosses to represent our Company in an International Sales Conference on September 27, 2008 at Dusit Hotel. It will run from 8:00 am to 6:00 pm. Don't be late. Bihira ang pinapadala ng company sa ganoong Conference. Remember, you are carrying the name of our Company... so make us proud, Allan. "
Hanggang pagbalik nya sa work area nya ay naririnig nya ang alingawngaw ng tinig, "Make us proud, Allan".
Maaga syang umuwi ng araw na iyon. Dadaan sya sa SM. Bibili sya ng Long Sleeves at bagong pantalon. Kailangang bago ang suot. "Make us proud, Allan. Make us proud."
Halos di sya makatulog pagdating ng Huwebes. Excited. Mali. Super excited ang tamang salita sa nararamdaman nya. Alam nya kasing bihira talaga ang ipinapadala ng company sa ganoong Conference. At yung mga iilang naipapadala, sila ang kadalasang naipo-promote ng kumpanya.
"Make us proud, Allan." Parang musika sa tengang patuloy nyang naririnig hanggang sa makatulugan nya. "Make us proud."
Napabalikwas sya nang marinig ang tunog ng alarm clock. 5:30 na ng umaga.
Ni hindi na nya nagalaw ang inihandang almusal ng nanay nya. Patakbo na syang humangos palabas ng pinto matapos ang ilang higop ng kape.
Kailangang naka-taxi para mabilis ang byahe. Kunsabagay ay maaga pa naman.
"Make us proud, Allan", musikang paulit ulit na kumikiliti sa tenga nya.
Saktong 7:30 ng dumating sya sa hotel. Mainam nang maaga kaysa huli. Dagdag pogi points sa mga ka meeting nya kung maaga syang darating. Pagpasok nya sa main entrance ng hotel ay masuyo nyang binati ang magandang receptionist sa Front Desk.
"Good morning", aniya.
"Good morning, sir, saan po sila?", sabi ng receptionist.
"Ahm, I'm going to attend the International Sales Conference. I'd like to know kung saan ang Function Room."
"Naku sir, hindi pa po pwedeng pumunta doon".
"What do you mean? Miss, I need to go there now coz i'm going to be late for the meeting. 8:00 am ang start and it's already 7:45".
"Eh, sir...... September 27 po ang Conference. September 26 pa lang po ngayon".
Para syang binuhusan ng malamig na tubig.
Wednesday, September 24, 2008
Pangarap
"Gusto ko pong maging doktor".
"Bakit?", aniya.
"Gusto ko pong manggamot ng mga batang maysakit".
Makalipas ang isang taon, sa di malamang kadahilanan ay dinapuan ng kanser ang bata.
At sa loob ng apat na buwan ay tuluyan na itong sumakabilang-buhay kapiling ng Diyos sa kalangitan.
At hindi na naabot ng bata ang kanyang pangarap.
++++++++++
in memory of the beloved child whom the author loves so much. someday, somehow, when the Lord wills, a foundation in the name of that beloved child will be built to support sick children, esp. those who have cancer ailments.
then, and only then, will the dream of that child be fulfilled.
when the Lord wills.
in His time.
in His season.
++++++++++
Monday, September 22, 2008
1 Message Received
Usong uso sa text messaging yung pinapahikli ang mga salita.
Pero dun sa isang text na na receive ko kamakailan lang, talagang sumakit ang ulo ko at naubusan ako ng hininga.
-Titah, san n dw poh kayoh? Punta dw poh bah kyoh d2? si Pao poh itoh-
Tuesday, September 16, 2008
No U-turn
"Boss, pasensya na, ngayon lang ako nadaan dito. Tsaka kita mo naman boss yung No U-turn sign oh, natatakpan ng mga dahon ng puno."
"Lisensya, akina na't naaabala mga pasahero mo pag nagdiskusyon pa tayo. Hirap sa inyo, gustong gusto nyong baliin ang batas, pag nahuli kayo, para kayong maamong tupa."
"Boss, pasensya na talaga", sabay abot nya ng lisensya.
"Niloloko mo ba ko?!", bwelta ng enforcer. "Ano 'tong nakaipit na'to?!!!"
"Boss, pangmerienda para di na tayo pareho maabala dito. Kawawa mga pasahero, oh."
"Itabi mo 'tong jeep at sundan mo ko dun sa lilim! Akala mo ba maloloko mo ko sa singkwenta mo?"
Sa lilim ng mga dahong nakatakip sa No U-turn sign, "Dagdagan mo pa 'tong singkwenta ng isangdaan para abswelto ka na".
"Boss, kapapasada ko lang, treinta na lang tong nasa bulsa ko. Pasensya na talaga, boss".
"Sige na, sige na! Akina pa yang treinta mo diyan para makapasada ka na. Inip na mga pasahero mo".
Monday, September 15, 2008
Engagement Ring
"Nay, naman, ulan lang yan. Tsaka di mo naman malaman ang panahon ngayon. Makulimlim pero di naman uulan. Maaraw ngayon, mamaya, uulan. Tsaka sandali lang naman ako dun, nay. Ihahatid din ako dito ni Jigs mamaya pauwi."
Di pwedeng hindi sya pumunta. Aba, bihirang bihirang magyaya ng date si Jigs. At sa restaurant pa. Ano kaya'ng meron? Baka kaya yayayain na syang magpakasal. 2 years na rin sila, at totoo nga yata ang kasabihang "First Love Never Dies", dahil first love nya talaga ang binata.
Naunahan pa nya si Jigs sa restaurant. Pero ayos lang, dahil excited sya at hindi mapakali sa kakaisip kung magpo propose na ito ng kasal. Pa'no kaya? Luluhod si Jigs sa harap nya at ilalabas ang kahita ng singsing? Ano'ng gagawin nya? Iiyak? Magugulat kunyari? Sisigaw o ngingiti ng pagkatamis-tamis?
At dumating na nga si Jigs. Umupo sa harap nya ang gwapong gwapong boyfriend.
Medyo napapitlag sya nang masuyong ipatong ni Jigs ang kamay nito sa kamay nya sa ibabaw ng mesa. Para syang mahihimatay nang tumitig sa kanya ang malamlam nitong mga mata.
"Jena, i'm gonna tell you something", at mabagal na ipinamulsa ni Jigs ang kaliwang kamay sa pantalon at halatang may dinudukot doon.
"Eto na", sa loob-loob ni Jena. Para syang maiihi sa kakahintay ng katagang 'will you marry me?'
"Jena, we can't be together anymore. Nagkikita kami ulit nung dati kong girlfriend. She's 3 months pregnant. Jena, I hope you understand..... sorry", bulalas ni Jigs sabay angat ng kaliwang kamay mula sa bulsa na may hawak na panyong pamahid sa namumuong mga pawis sa noo.
At bumuhos ang kanina pa nakapondong malakas na ulan.
Sunday, September 14, 2008
Trigger-happy
Sabi ni Jayson sa Tatay na pulis- "Daddy! Barilin kaya natin si Pastor. Laging sumisigaw, eh!!!"
Thursday, September 11, 2008
Karangalan
Wednesday, September 10, 2008
Si Maria Mahinhin
Sobrang yumi at ni hindi makabasag-pinggan. Laging nakatungo at sobrang mahiyain si Maria Mahinhin.
Maging mga kalalakiha'y hindi makalapit sa sobrang hinhin ni Maria Mahinhin.
Ngunit isang araw, nagbunyi ang lahat sa balitang narinig. Ikakasal na raw si Maria Mahinhin.
"Mapalad si Tonying!" ang sigaw ng madla. Dahil nasungkit nya si Maria Mahinhin.
At idinaos na nga ang kasal ni Tonying at ni Maria Mahinhin.
Makalipas ang pitong buwan, nagsilang ng sanggol si Maria Mahinhin.
Ay, ay, ay. Sobrang hinhin ni Maria Mahinhin.
Bilanggo
Hinding hindi na.
Sapat na ang mahigit dalawampung taong pinangilagan kita at ituring ang sarili kong bilanggo sa rehas ng pag-iisip sa'yo.
Hinding hindi na.
At kanina-kaninang bago pa man ako humimlay ay muli kong ipininid ang mga pinto at bintana upang masiguradong hindi mo na ako gagambalain magpakailanpaman.
Ngunit sadya kang mapusok at mapagbiro.
Muli kong nabanaag ang katawang iyon na hindi ko maipagkakailang iyo.
Iyong-iyo.
Sa pagmulat ng aking mga mata'y nabanaag kong unti-unti kang lumalapit sa akin.
Palapit ng palapit.
At dahan-dahan kong iginalaw ang aking kamay upang kapain sa karimlan ang sandatang iyon na sadya kong inihanda para sayo... habang wala kang kamalay-malay na unti-unting lumalapit sa mura kong katawan.
Palapit. Palapit ng palapit.
Ngayon na!
PLAK!!!!!
At sumambulat ang katawan mo sa palo ng tsinelas ko.
Bwisit kang ipis ka.
Monday, September 8, 2008
Nagdadalaga
Tingin nya, sapat na yung 300 para mabili yung bestidang ilang araw na rin nyang pinagpapantasyahang bilhin sa patahian ni Ate Lusing.
Ilang linggo na nang maulinigan nya ang sinabi ng kanyang crush na si Sherwin sa barkada nito. "Pare", ani Sherwin, "ang tipo ko sa babae, yung medyo makaluma. Yun bang laging nakabestida. Babaeng babae ang dating".
"O, aanhin mo naman ang 300?" sabi ng Nanay nya.
"May nakita kong bestida dun, Nay, ke Ate Lusing, ang ganda ganda, bulaklakin."
"O, e aanhin mo ang bestida, aber?!", singhal ng Nanay nyang nanlalaki na ang mga mata.
"Nay...., eh, yung crush ko, ang tipo nya daw, eh, yung medyo makaluma. Yung tipong laging nakabestida, ganun".
"Aba't! Tumigil ka na sa ilusyon mo, ha?!!!", muling singhal ng Nanay nya.
"Nay naman, hindi na po ako bata. At saka, natural lang naman sa kahit kanino ang ma-inlab, di ba, Nay? Nay, magdidisiotso na po ako sa isang buwan, Nay. Di na po ako nene."
"Talagang di ka na nene! At kung ayaw mong masaktan, tigilan mo na yang kaka ilusyon mo, dahil kahit kelan eh hindi ka magiging dalaga, Efren!!!!"
Sunday, September 7, 2008
Charity
Inumpisahang punasan ng bata ang sapatos nya. Pagkatapos ay lumipat sa kasunod na mga pasahero at isa-isang pinunasan ang mga sapatos ng dala nitong basahan.
Awang awa sya habang pinagmamasdan ang bata. Pilit iniisip kung bakit may mga magulang na hinahayaang mamalimos ang mga batang ni wala pang muwang sa mundo.
Dala ng habag, sumandali nyang inilapag ang hawak na cellphone sa ibabaw ng mga hita upang makadukot ng barya sa bulsa habang nakatanghod sa kanya ang kawawang bata.
Saktong sa pagpalit ng kulay ng stoplight ay mabilis ding hinablot ng batang gusgusin ang cellphone sabay tumalon pagbaba ng jeep at walang lingon-likod na kumaripas ng takbo.
Saturday, September 6, 2008
Two Weeks
"2 weeks na 'to eh. Kinakabahan ako kasi eversince, eh, regular ako. Ngayon lang nagkaganito."
"Wala yan. baka nga delayed lang. Gusto mo, pacheck-up ka. Para hindi yang para kang tangang kakaba-kaba diyan. Baka natatakot ka sa hindi naman dapat katakutan."
"Kaw kasi, eh! Pilit ka ng pilit!"
"O? Pareho naman nating ginusto, ah. Tsaka kasalanan ko bang umalis lahat ng tao sa bahay nyo at tayong dalawa lang ang naiwan?"
"Pa'no pag buntis ako? Lintik tayong dalawa ke Daddy."
"Kaya nga magpa check-up. Sige, pag wala pa hanggang Biyernes, lakad tayo sa Sabado. Samahan kita sa clinic."
"Sige na, gagamitin ni utol 'tong telepono. Text na lang tayo."
Miyerkules.
"Hello, ikaw na yan?"
"O, ano balita?"
"May good news ako sa'yo. Dumating na yung period ko kaninang tanghali. Grabe, walanghiya ka, dalawang linggo mo 'kong pinakaba, ah."
"Kitam! Sabi sa'yo, eh. Masyado kang matatakutin."
"Malay ko ba! Ikaw rin naman eh, halata sa boses mo, kinabahan ka rin."
"Syempre kaya. Ano'ng ipapakain ko diyan kung nagkataon?"
"Uhm... me gagawin ka Sabado?"
"Wala naman. Bakit?"
"Punta ka dito sa bahay sa Sabado ng hapon...... walang tao dito, tayo lang."
Mga Reaksiyon
Kung Tabloid ang Over a Cup of Coffee, Ito naman ang Broadsheet ni Hector:
-
Old Names Flourish in Latest SWS Senatorial Survey - The Social Weather Station (SWS) has released its latest Survey on preferred Senatoriables. Conducted last January 17 to 19, the survey shows old names en...11 years ago
About Me
- hector_olympus
- sa anumang tanong, suhestiyon at reaksiyon, maaaring mag-email kay hector sa address na ito: hector_olympus@yahoo.com